MAGSIMULANG MAGSIMULA

Sa pagpasok ng bagong taon, lagi tayong may listahan— nakasulat man sa papel o sa isip— ng mga plano nating gawin o simulan. Madalas nga lang, dahil sa sabay-sabay na gawain, at sa iba pang dahilan, nauudlot ang karamihan sa mga ito. Tuloy, nauuwi ang lahat sa wala. Para sa Yabang Pinoy at Linya-Linya, iisa lang ang kailangan: Magsimulang Magsimula Walang mangyayari hangga't hindi mo sisimulang bumangon, kumilos, at gawin ang gusto mong gawin— hindi mamaya, hindi bukas, at hindi sa darating na panahon— kundi ngayon din.










Compare 0